Naniniwala si Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi kikilalanin ng mga bansa sa rehiyon ang plano ng China na isailalim sa kanilang Air Defense Identification Zone (ADIZ) ang West Philippine Sea (WPS).

WPS, hindi papayagang maisailalim sa air defense zone ng China

National News

Naniniwala si Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi kikilalanin ng mga bansa sa rehiyon ang plano ng China na isailalim sa kanilang Air Defense Identification Zone (ADIZ) ang West Philippine Sea (WPS).

Ito ay kasunod na rin ng pahayag ni US Pacific Air Force commander General Charles Brown na iligal ang paglalagay ng China ng ADIZ sa pinagtatalunang teritoryo.

Ayon kay Lorenzana, mula pa noon ay bukas na sa navigation at pangingisda ang West Philippine Sea.

Ang hakbang din anya ng China ay paglabag sa Exclusive Economic Zones (EEZ) ng mga bansa nakapalibot sa pinagtatalunang teritoryo alinsunod sa United Nations Convention on Law of the Seas (UNCLOS).

Umaasa si Lorenzana na hindi itutuloy ng China ang plano nito para na rin sa kapayapaan ng rehiyon.