Connect with us

WPS, hindi dapat maisakrapisyo dahil sa bakuna ng China – ilang senador

Hindi naging kampante ang ilang mga senador sa ideya na posibleng maisakrapisyo ng bansa ang West Philippine Sea (WPS) dahil sa bakuna.

National News

WPS, hindi dapat maisakrapisyo dahil sa bakuna ng China – ilang senador

Hindi naging kampante ang ilang mga senador sa ideya na posibleng maisakrapisyo ng bansa ang West Philippine Sea (WPS) dahil sa bakuna.

Sa isang pre recorded speech ay inilahad ni Pang. Rodrigo Duterte na maraming utang na loob ang bansa sa China kabilang na ang mga bakuna kontra COVID-19 na ibinigay nito.

Sa kabila nito ay tiniyak ni Duterte na may mga bagay na hindi dapat makumpirmiso kahit pa kaibigan ng Pilipinas ang China pero hindi aniya ito handa na makipagyera sa naturang bansa.

Ayon kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto, walang gustong makipagdigma sa bansang China pero kailangan aniyang protektahan ng bansa ang ecomomic Zone.

Ipinunto pa nito na nagpapasalamat ito sa bansang China dahil sa malaking tulong nito sa vaccination program pero wala aniyang kinalaman ito sa interes ng bansa sa WPS.

Ayon kay Sen. Ralph Recto,”No one wants war with China. Nevertheless, we have to protect our exclusive economic zone and our fishermen in the area.”

Nanindigan din si Sen. Grace Poe na patuloy na dapat depensahan ng bansa ang karapatan nito sa pinag-aagawang teritoryo.

“We must stand firm against illegal occupants in our waters.The Philippines’ friendship with its fellow nations must pave the way for common respect and rules-based approach in maintaining peace and stability in our waters,” ani Poe.

Ipinayo pa ng mambabatas na hindi dapat huminto ang pamahalaan sa pagpapatrol sa WPS para matiyak ang kaligtasan ng mga Pinoy na mangigisda.

“As we continue to raise our voices against the threats to our waters, our government must not renege on patrolling WPS to ensure that Filipino fishermen are secure as they venture into the common fishing grounds for livelihood,” dagdag pa ni Poe.

Sinabi naman ng National Task Force for WPS sa isang statement na tuloy tuloy ang ginagawa nilang pagbabantay sa karagatang pag-aari ng bansa.

More in National News

Latest News

To Top