Connect with us

WHO, tiwalang mababakunahan ang 20% ng populasyon ng Pilipinas ngayong 2021

Ipauubaya sa Local Government Units ang desisyon hinggil sa pagtukoy sa mga kasama sa A5 priority group ng COVID-19 vaccination program.

National News

WHO, tiwalang mababakunahan ang 20% ng populasyon ng Pilipinas ngayong 2021

Kumpiyansa ang World Health Organization (WHO) na matuturukan ng COVID-19 vaccine ang 20% ng kabuuan ng populasyon sa Pilipinas hanggang sa katapusan o bago matapos ang taon.

Ito ay makaraang kinumpirma ng WHO na aabot sa 9.2-million na mga bakuna kontra COVID-19 ang nakatakdang darating sa bansa sa magkakahiwalay sa shipment at panahon ngayong 2021.

Ipinaliwanag ni Dr. Rabindra Abeyasinghe, WHO Representative to the Philippines na sa ngayon ay limitado pa kasi ang manufacturing capacity ng vaccine manufacturers.

Gayunman ay sinabi ni Abeyasinghe na sa mga susunod na buwan ay tiyak aniya na magkakaroon ng mass production ng COVID vaccines.

Ngunit wala pang eksaktong petsa ang pagdating ng iba pang batch ng bakuna mula sa Covax facility.

Ayon  kay Dr. Abiyasinghe, dapat ihanda ng bansa ang mga pasilidad sa pagtanggap ng malaking bilang ng mga bakuna.

Bukod pa rito, dapat sundin ng gobyerno ang vaccination framework nito upang matiyak na mabakunahan ang mga sektor at risk sa nasabing virus katulad ng mga health worker at senior citizens.

 

More in National News

Latest News

To Top