International News
WHO, nagbabala laban sa blood plasma treatment kontra COVID-19
Nagbabala ang World Health Organization (WHO) laban sa blood plasma treatment kontra COVID-19.
Ayon sa WHO, hindi dapat gamitin ang plasma mula sa taong gumaling na sa COVID-19 sa mga taong may mild at moderate na karamdaman.
Una nang napabalita na ang convalescent plasma ay makatutulong sa pag-rekober ng mga nagkasakit dahil sa COVID-19.
Base sa British Medical Journal, sinabi ng WHO na wala pa itong naipapakitang ebidensya na nakababawas ito ng pangangailangan ng ventilation ng isang taong nagkasakit dahil sa COVID-19 at ito rin ay time-consuming.
Dagdag pa ng WHO, hindi ito dapat gamitin ang blood plasma treatment kahit sa mga may sever at critical illness sanhi ng COVID-19.
Ayon sa WHO, ito ay dapat ibigay lamang bilang bahagi ng clinical trial.