Certified firefighter na ang aktor na si Wendell Ramos.

Wendell Ramos, certified firefighter na

Showbiz

Certified firefighter na ang aktor na si Wendell Ramos.

Proud na ibinahagi ng aktor ang pagkakapasa nito sa training ng ABP o Ang Bombero ng Pilipinas at ngayo’y myembro na ng organisasyon.

Makikita sa kanyang Instagram post ang mga larawan na nakasuot siya ng uniporme ng bombero at ang serye ng naging pagsabak nito sa training.

Ayon kay Wendell, isang karangalan na maging bahagi ng ABP pero aniya marami pa rin siyang dapat na matutunan at maranasan.

Dagdag nito, lubos ang kanyang pasasalamat sa mga taong naging parte ng kanyang pagsasanay.