Connect with us

WHO, nagbabala sa paggamit ng ivermectin sa tao bilang gamot sa COVID-19

Nagbabala si World Health Organization Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe sa paggamit ng ivermectin sa tao bilang gamot sa COVID-19.

National News

WHO, nagbabala sa paggamit ng ivermectin sa tao bilang gamot sa COVID-19

Nagbabala si World Health Organization Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe sa paggamit ng ivermectin sa tao bilang gamot sa COVID-19.

Ayon kay Dr. Rabindra, kulang pa sa mga clinical trial ang paggamit ng ivermectin para mapatunayan na ito ay epektibo.

Hindi pa sapat aniya ang mga pag-aaral na nagpapatunay na ito ay epektibo kung kaya’t hindi pa ito nararapat gamitin.

Ito rin ang naging resulta ng pag-aaral ng European Medical Association at US FDA na hindi ito maaring gamitin bilang gamot sa COVID-19.

Bagamat, may iilang doktor na sumusuporta sa ivermectin, hindi pa rin ito aprubado ng Department of Health (DOH).

Kaugnay nito, dinepensahan ni Anakalusugan Partylist Representative Mike Defensor ang paggamit ng ivermectin sa paglaban sa COVID-19.

Sa panayam ng Sonshineradio, 4 na dekada na aniyang ginagamit ang ivermectin at sinasabi na mismo ng FDA na walang itong masamang side effects.

Maliban dito, itinuturing rin aniyang itong wonder drugs ng ibang health expert.

“Ang binabanggit sa pag-aaral nila (na scientific study). Eh talagang nakakatulong ang hindi lamang dun sa may sakit. Pero maging sa prevention. Kasi ‘tong droga na ‘to, and infact nanalo na to ng nobel peace prize ang mga gumawa ng droga na to, dahil ito ay ginamit nun sa river blindness sa Africa, marami ng bansa katulad ng sinabi ko 3.7 billion na ang uminom nito. Itong droga na ito pinapatay nya ang viral transmission”

Kaugnay nito,personal rin na ibinahagi ni Defensor na malaking tulong sa kanya ang ivermectin para makarekober sa COVID-19 matapos itong magpositibo noong Marso 3.

“Awa naman ng diyos, uminom ako nito on the second day nung malaman kong positive. Umayos na agad ako. Tapos on the 7th day uminom ulit ako. At nung natapos yun uminom ulit ako at wala naman akong naramdaman.”

Ikinagulat lang nito na biglang nagkaroon ng policy ang Department of Health na ipasara at ipahinto ang laboratory ng nagpo-produce ng ivermectin.

Binabala din aniya ng DOH na tatanggalan ng lisensya ang mga doktor na magpe-prescribe ng ivermectin sa COVID-19 positives.

Ito ani Defensor ang rason kung bakit naghain siya ng resolusyon sa Kamara upang paimbestigahan ito.

More in National News

Latest News

To Top