Connect with us

VP Robredo, walang alam sa usapin ng foreign policy ng bansa – Pang. Duterte

Mariing iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na sa ilalim ng kapangyarihang ipinagkaloob sa kaniya ng konstitusyon bilang pangulo ng bansa, tanging siya lang ang may karapatan na magdesisyon kung ano ang dapat nitong gawing o pairalin na polisiya  sa bansa.

National News

VP Robredo, walang alam sa usapin ng foreign policy ng bansa – Pang. Duterte

Mariing iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na sa ilalim ng kapangyarihang ipinagkaloob sa kaniya ng konstitusyon bilang pangulo ng bansa, tanging siya lang ang may karapatan na magdesisyon kung ano ang dapat nitong gawing o pairalin na polisiya  sa bansa.

Kasunod ito ng pagtutol ni Vice President Leni Robredo sa paghingi ng bayad ni Pangulong Duterte sa napipintong pagsasabuhay o pagpapanumbalik sa bisa ng Visiting Force Agrement sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.

“Kung ano ang policy gusto niyang ipalabas for the Philippines is vested in the president and not with the senators or the vice president,” ang pahayag ni Pangulong Duterte.

Matatandaang sinabi ni Robredo na ang paghingi ng bayad ng pangulo ay parang gawain lamang ito ng isang kriminal.

Ipinunto pa ni Robredo na nakaangkla ang VFA sa mutual benefit ng Pilipinas at US at hindi sa pera at nakakahiya ang naging hakbang ng pangulo sa isyu.

Iminungkahi rin nito na dapat ilatag na lamang ng bansa ang mga dahilan kung bakit ayaw nito sa VFA at kung bakit sa palagay nito ay nakakasama sa atin ang kasunduan.

Ipinunto rin ng pangulo na hindi nito nagugustuhan ang kasunduan sa pagitan ng American forces at Pilipinas dahil hindi rin gaanong napapakinabangan ng Philippine forces ang mga kagamitan ng mga Amerikano  gaya ng pakinabang na nakukuha nito sa bansa habang naninirahan ang mga ito sa bansa.

Dahil pagkatapos ng pagsasanay, dinadala din ng mga Amerikano ang mga kagamitan nito  pabalik sa kanillang bansa.

Isa aniya ito sa mga dahilan na hindi alam ni Robredo.

Paliwanag ng pangulo, “Ngayon wala naman ang Amerikano, walang binibigay. You know, I have talked to so many military guys.  Sabi nila, iyong war games, it’s coming I think on May.  Ang Amerikano magdala dito ng mga armas, mag-display sila ng mga equipment and everything, tapos nag-war games, dinadala nila doon sa… Tinuturuan nila ang Pilipino paano gumamit during the war games and then after that, they go home and bring back their equipment. Nandiyan si – — alam ni General Lorenzana ‘yan.

Iyan ang lamentations ng Pilipino. Iyan ang hindi alam ni Robredo. Ang pagkaalam kasi ni Robredo, parang we are nothing’s — nothing is wrong with America and the Philippines. Hindi niya alam na ano eh… Kaya ikaw, ma’am, I’m sorry to say, you are not really qualified to run for president. You do not know your role in this government.”

Kaugnay nito, mismong si Pangulong Duterte na ang nagsabi na kabado siya sa magiging estado ng Pilipinas kung papalarin na maging susunod na pangulo ng bansa si  VP Robredo.

“Kinakabahan ako if by chance ma-presidente ka. Medyo… Ako, basta pagkaretired na ako diyan kung ma-presidente ka.

I said if by unfortune — unfortunate chance you become the president, please study more. I think that you — you need a refresher course sa law.

That is my advice to you. You do not use this word mga “extortion”, “extortion”. When we say you pay, dapat talagang magbayad. Anong tingin mo sa — ano ito? Tingin mo sa Pilipinas colony ng Amerika? Basta libre na lang lahat. Lahat ba — tayo kung may ano, bayad tayo.”

Samantala, taong 2020 nang tuluyan nang tinuldukan ng pamahalaan ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at Amerika, matapos mag-abiso ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr. Sa gobyerno ng Estados Unidos.

Sinabi rin ni Pangulong Duterte dapat rin aniya magpakunsulta si Lacson sa abogado bago ito maglabas ng saloobin sa social media tungkol sa nasabing usapin.

Nauna na rin kasi na pinangambahan noon ni Senator Panfilo Lacson ang pagtatapos ng VFA sa pagitan ng Amerika at Pilipinas dahil posibleng makaapekto ito sa military approach ng bansa gaya ng maintenance sa mga kagamitang pandigma.

More in National News

Latest News

To Top