VP Robredo, itinanggi ang umano’y pagpapadala ng panis na pagkain sa mga frontliner

National News

Itinanggi ni Vice President Leni Robredo na namahagi ang kanyang tanggapan ng panis na pagkain sa mga frontliner sa Diliman Doctors Hospital.

Ito ay matapos ang socia media post ng isang Jacques Phillip.

Ayon kay Robredo, walang natanggap ng kaparehong reklamo ang kanilang team na nagdeliver ng hot meals na donasyon ng mga pribadong indibwal.

Hindi rin aniya siya nagtungo at ang kanyang tagapagsalita na si Atty. Barry Gutierrez sa nasabing hospital.

Batay sa FB post na ngayo’y buradao na, nagtungo si Gutierrez sa Diliman Doctors Hospital para humingi ng paumanhin at patahimikin ang mga hospital personnel ukol sa insidente.

Nagbabala naman si VP Robredo sa nag-post at mga nag-share ng naturang post na hahabulin at pananagutin sa batas.