Pilot run ng libreng sakay para sa mga health workers ng tanggapan ni VP Robredo, umarangkada na

VP Robredo, italaga bilang IATF lider-Trillanes

National News

Hinamon ni dating  Senador  Antonio Trillanes IV ang Duterte Administration na italaga bilang lider ng Inter-Agency Task Force (IATF) si Vice President Leni Robredo.

Dahil dito, Nanawagan si Presidential Spokesperson Harry Roque kay Trillanes na huwag baluktutin ang pahayag nito para lamang sa motibong pampulitika.

Una rito, nanawagan ang Malakanyang kay VP Robredo na magbigay ng mga solusyon sa pagpapauwi ng Locally Stranded Individuals (LSIs) sa halip na tuligsain ang gobyerno hinggil sa mga hakbang nito.

Sa isang mensahe, sinabi ni Roque na ikinalungkot nito ang naging reaksyon ni Trillanes kung saan lumilikha pa ito ng intriga at nagdudulot ng dibisyon sa gitna ng kinakaharap na pandemya makaraang maghamon ito sa administrasyon na italaga bilang lider ng IATF si Robredo.

Binigang-diin ni Roque na huwag na sanang gumawa pa ng kontrobersiya si Trillanes kung wala namang dapat na maging isyu.

Giit ng palace spokesman, mas maiging mag-ambag na lamang ang dating senador ng posibleng hakbang para maibsan ang kahirapang kasalukuyang dinaranas ng mamamayang Pilipino dulot ng COVID-19.

Muli namang inihayag ng Malakanyang na kinilala nito ang kontribusyon ng bise presidente sa paglaban sa Coronavirus sa pamamagitan ng pagtulong sa mga Pilipino sa kanyang sariling  sikap at kapamaraanan.

Dagdag pa ng palasyo,kung ang intensyon ni Vice President Robredo ay tunay, hindi na kailangan pa na italaga siya na pamunuan ang IATF gaya ng iminungkahi ni Trillanes.