Connect with us

VP Robredo, hinikayat na isantabi muna ang pamumulitika sa gitna ng vaccination program  

Nanawagan ang Malakanyang kay Vice President Leni Robredo na isantabi muna ang pulitika ngayong panahon ng pandemya.

National News

VP Robredo, hinikayat na isantabi muna ang pamumulitika sa gitna ng vaccination program  

Nanawagan ang Malakanyang kay Vice President Leni Robredo na isantabi muna ang pulitika ngayong panahon ng pandemya.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, dapat huwag haluan ni VP Robredo ng pulitika ang inoculation campaign ng gobyerno kontra COVID-19.

Giit ng tagapagsalita ng Palasyo, may akmang panahon para sa mga usaping pulitikal.

Una rito, madalas ang pagsalungat ng bise presidente sa mga hakbang ng administrasyon kaugnay ng COVID-19 response at ilang proseso ng procurement ng mga bakuna o vaccination program ng pamahalaan.

Binanggit din ni Robredo na ang mga pahayag sa kanya ni Pangulong Duterte ay hindi akma sa pagiging presidente at sinabihan pa nitong palaging pikon sa kanya ang punong ehekutibo kapag siya na ang nagbibigay ng opinyon sa iba’t ibang isyu.

Kinuwestyon din ni Robredo kung bakit hindi dumaan sa proseso ng Health Technology Assessment Council (HTAC).

Ang Sinovac-made vaccine ng China na Coronavac, hindi tulad ng Pfizer-BioNTech at AstraZeneca.

Pasaring naman ni Roque kay Robredo, kung si Pangulong Duterte ay laging handa, si VP Leni naman ay laging mali.

Matatandaang sinabihan ng Punong ehekutibo ang bise Presidente na siya na ang mamili ng COVID vaccine sa ibang bansa at handa niyang pondohan ang kanyang pamimili.

Una nang iginiit ng Presidente kay Robredo na pahirapan ang pagbili ng bakuna dahil sa mataas ng demand sa iba’t- ibang parte ng mundo.

 

More in National News

Latest News

To Top