Connect with us

VP Robredo, hindi malakas na kalaban ni BBM sa pagkapangulo

Mas lalong lumalakas ang taga-suporta ni dating Senador Bongbong Marcos.

National News

VP Robredo, hindi malakas na kalaban ni BBM sa pagkapangulo

Mas lalong lumalakas ang taga-suporta ni dating Senador Bongbong Marcos.

Ito ang sinabi ni Senatorial Aspirant Fernando ‘Ding’ Diaz sa panayam ng Sonshine radio.

Aniya, ito ay sa gitna ng tumitinding batikos na ibinabato kay Marcos ngayong tiyak na ang pagtakbo nito sa pagka-pangulo ng bansa sa darating na halalan.

Mas marami nang matapang ngayon na ipagtanggol ang mga Marcos tungkol sa mga akusasyon sa panahon pa ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Nakikita naman ni Diaz na hindi malakas na kalaban ni Marcos si Vice President Leni Robredo sa panguluhan.

Naniniwala naman si Diaz na hindi mananatiling bulag si Davao City Inday Sara Duterte-Carpio sa panawagan ng mga tao dito na kumandidato na bilang pangulo ng bansa sa 2022.

Ipinaliwanag pa ni Diaz na may sariling estilo ng pamamahala si Inday Sara na hindi lang magtataguyod sa nasimulan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

More in National News

Latest News

To Top