Connect with us

Volunteer group, nanawagan kay Pastor ACQ na himukin si PRRD na tumakbong VP sa 2022

Panakot lamang sa mga kritiko. Ito ang inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte makalipas nitong sinabi na ikonsidera siya para sa pagka vice president sa 2022 National Election. Ngunit sinabi rin ng pangulo na kung ikabubuti naman ng bansa ay gagawin niya ito.

National News

Volunteer group, nanawagan kay Pastor ACQ na himukin si PRRD na tumakbong VP sa 2022

Nagpapasaklolo ang People’s Movement for Continuity kay Pastor Apollo C. Quiboloy para matiyak na tatakbong vice-president si Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na eleksyon.

Batid kasi ng grupo na mayroong malaking impluwensiya ang butihing Pastor sa mga pagpapasya ng pangulo.

Magugunita na nitong 2016 elections ay isa si Pastor Apollo sa matinding humimok sa noo’y mayor ng Davao City na tumakbong Presidente.

Para kay Pastor Apollo, kaloob ng dakilang ama na maging Pangulo ng bansa si Duterte.

Ayon kay Bishop Mitchelle Loayon, National Vice-President for Religious Affairs, PMC,” Malaki po ang impluwensya kasi noong 2016 marami pong iba’t-ibang sektor, kami, ako bilang isang national VP for Religious Affairs, kami sama-sama kami walang partido yun, kahit sabihin natin, ah ibang grupo si Pastor Quiboloy, hindi. Malaki ang naging impluwensiya po ni Pastor Quiboloy kasi alam namin na si Pastor Apollo C. Quiboloy matagal at matalik na kaibigan ni President Duterte. So ngayon kami ay patuloy na na nananawagan sa Presidente, Pangulong Rodrigo Roa Duterte, hindi kami titigil hangga’t hindi po siya mag dedisisyon na tatakbo bilang bise-Presidente.”

Matatandaan na binanggit ni Pastor Apollo sa kanyang Exclusive 1 on 1 interview kay Pangulong Duterte sa SMNI News ang hangarin nitong tumakbong VP ang chief executive.

Suportado naman ng grupo ang mungkahi ni Pastor Apollo na gawing President for life si PRRD.

“Actually, isa ‘yun sa gino-goal po namin eh. Kung matatandaan natin yung prime minister ng Singapore, – talagang pinaganda niya ang Singapore, until such time, nag desisyunan ang Singapore government, papalitan siya ng kanyang anak pero tuloy-tuloy ‘yun programa kaya nga may continuity eh, kaya satin dito karanasan natin sa Pilipinas, kapag nahalal ang presidente, may proyekto, programa kapag may bago nanaman, hindi nila kapartido, hindi nila gusto ang pamamalakad mahihinto nanaman, so ‘yun ang kinatatakutan natin.”

“‘Yung ok primary na tinitignan natin yung anti -criminality ni President Duterte, anti-drug, ‘yung drug war niya, yung anti-corruption at marami pa pong iba na dapat magpapatuloy, lalo na yung mga Build-Build-Build po ngayon,” saad pa ni Bishop Mitchelle Loayon.

Sa ngayon, patuloy na magsasagawa ng motorcade at caravan ang Duterte Supporters para matiyak na tatakbo si PRRD bilang VP.

” Tuloy-tuloy po kami, nag-umpisa po kami noong nakaraang Saturday, tuloy-tuloy po ‘yan at sunod-sunod po, halos lahat ng siyudad, probinsya meron pong panawagan kilos na tatakbo po si President Duterte, at hindi po talaga kami titigil hangga’t hindi po siya mag dedisisyon, parang mag mamakaawa kami sakanya noh’,I hope and I pray sa tulong po ni Pastor.”

Kaugnay nito ay nagpalabas ng petisyon ang PDP-Laban para himukin si PRRD na mag VP sa susunod na taon.

Sa pinakahuling komento naman ni Pangulong Duterte, sinabi nito na ikonsidera na siyang tatakbong VP sa 2022 elections.

More in National News

Latest News

To Top