Bicolano nCoV prank

Vlogger na nag-nCoV prank, pormal nang kinasuhan

Regional

Inireklamo ni Police Captain Manuel Dionisio ng alarm and scandal ang vlogger na nagpanggap na mayroong novel coronavirus (nCoV) sa isang mall sa Albay.

Kinilala ang vlogger na si Marlon De Vera, 35 taong gulang at residente ng Barangay Bigaa, Legaspi City.

Sa report ng Police Regional Office (PRO) 5, bigla na lamang tumumba si De Vera sa entrance ng mall habang kinukunan ng video ng kasama. Matapos nito ay biglang tumayo si De Vera at ipinaliwanag na para sa kanyang vlog ang kanyang ginawa.

Una nang humingi ng paumanhin si De Vera sa kanyang ginawa lalo’t naghatid ito ng takot sa mga nakasaksi.

Matatandaang nanawagan sa publiko ang Department of Health na huwag agad maniwala sa mga kumakalat na impormasyon kaugnay ng nCoV.