Vico Sotto, na-hot seat matapos tanungin ito tungkol sa kanyang love life

Showbiz

Sa likod ng pagiging ‘Ama ng Lungsod’ ni Vico Sotto sa Pasig City ito rin ay isa sa mga bachelor na kinagigiliwan ng lahat.

Bilang isang mayor marami itong responsibilidad at dapat isaalang-alang sa buhay kung kaya’t hanggang ngayon wala pang balita kaugnay sa love life nito.

Sa isang panayam kay Vico tinanong ito kung ano ang pag-ibig para sa kanya na kung saan sinagot nito ng simpleng na ang love ay patient and kind.

Iwas na iwas ang mayor sa usapan na ito at kahit sa mga international o celebrity crush ay wala itong binanggit.

Samantala, nang tinanong ito sa kanyang ideal type ay walang kahirap-hirap niya itong sinagot at sinabing ang gusto niya sa babae ay matalino at easy going.