Muling pinalawig ng Land Transportation Office (LTO) ang validity ng rehistro ng mga sasakyang  apektado ng ipinatutupad na community quarantine.

Validity ng rehistro ng mga sasakyan, pinalawig pa ng LTO

National News

Muling pinalawig ng Land Transportation Office (LTO) ang validity ng rehistro ng mga sasakyang  apektado ng ipinatutupad na community quarantine.

Sa abiso ng LTO, lahat ng mga sasakyan na may plate number na nagtatapos  sa “6” o mga nakatakda sanang mag-renew ngayong Hunyo ay extended ng 30 araw simula ngayong araw.

Maliban na lamang sa sakop ng National Capital Region (NCR), Laguna, Cebu at Region III na extended ang registration hanggang Setyembre a-30.

Suspendido din ang paniningil ng penalties para sa renewal transactions mula Hulyo a-1 hanggang Hulyo a-31.

Marso nang magsimulang suspindehin ng LTO ang penalties para sa late registrations ng mga sasakyan at renewal ng mga paso drivers’ license.