Connect with us

Vaccinators, sumasailalim na sa training para mangasiwa sa COVID-19 vaccines sa bansa

Nasa 25,000 indibidwal na ang sumailalim sa training para mangasiwa sa COVID-19 vaccines sa mga Filipino ngayong papalapit na ang pagsisimula ng vaccination sa bansa.

National News

Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., nagko-consolidate na rin ng listahan ang Local Government Units (LGUs) lalo na sa National Capital Region (NCR) kung sino ang mga lalahok sa vaccination.

Ayon kay Galvez, nasa 50,000 Filipino ang inaasahang mababakunahan kontra COVID-19 sa Pebrero gamit ang Sinovac vaccines.

Ang nasabing vaccination aniya ay magsisilbi bilang rehearsal para sa national rollout ng inoculation.

Sinabi ni Galvez na dumalo na ang mga vaccinator ng mga lectures ukol sa vaccination at ang nasabing “rehearsal” ay magsisilbi bilang kanilang “practical exercise”.

Gayunman, sinabi ng vaccine czar na posibleng ang bakuna mula Pfizer sa ilalim ng covax facility ang unang gagamitin sa bansa kaysa sa sinovac vaccines dahil sa planong maagang rolout nito.

More in National News

Latest News

To Top