UV express aarangkada na sa lansangan simula ngayong araw

Metro News National News

Aarangkada na sa lansangan simula ngayong araw ang nasa 980 na mga UV express palabas at papasok sa Metro Manila.

Ito ang inanunsiyo ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delgra makaraan ang mahigit tatlong buwan na pagkatingga dahil sa ipinairal na quarantine protocols dahil sa banta ng COVID-19.

Sinabi ni Delgra na ang aprubadong guidelines para sa deployment ng mga  UV Express ay alinsunod sa ‘gradual, calibrated at calculated approach’ ng Department of Transportation (DOTr) hinggil sa pagbabalik ng public transportation sa gitna ng ipinaiiral na General Community Quarantine (GCQ).

Tiniyak din ni Delgra na possible ring ibabalik  ang operasyon ng mga tradisyunal na mga jeepney ngayong lingo.

Ang ginawang desisyon ay dahil hindi kaya ng mga bus at modern public utility vehicles na maserbisyuhan ang malaking populasyon ng mga commuters lalo na sa Metro Manila.

Pinaalalahanan din nito ang mga UV express operators na striktong ipatupad ang health protocols upang maiwasan ang pagkahawa sa nakamamatay na sakit.

Mananatili naman sa fare rate na P2 per kilometer at walang fare adjustment na ipatutupad maliban na lamang kung aprubahan ng LTFRB.

Kasama sa bubuksang mga ruta para sa mga UV express ang mga sumusunod;

UV Express routes ang Meycauayan – Central Integrated Terminal (QC); Obando – MRT North Ave., QC; Sto. Niño (Meycauayan Bulacan) – MRT North Ave.; Sto. Niño (Meycauayan Bulacan) – Trinoma, MRT North Ave., Mindanao Ave.; Heritage (Meycauayan Bulacan) – SM North (QC); Marilao (Bulacan) – SM North Ave.; Sto. Niño (Meycauayan Bulacan) – Central Integrated Terminal (QC); SM Marilao (Bulacan) – Sm North (QC); Malhacan (Meycauayan Bulacan) – Quezon Ave. via NLEX; Malhacan (Meycauayan Bulacan) – Central Integrated Terminal (QC); Marilao – Central Integrated Terminal (QC).

Marilao Terminal – Quezon Ave. Terminal (MRT); Turo (Bocaue, Bulacan) – Central Integrated Terminal; Turo (Bocaue, Bulacan) – Central Integrated Terminal via NLEX; Turo (Bocaue, Bulacan)) – MRT / Quezon Ave. Terminal via NLEX; SM Marilao (Bulacan) – Central Integrated Terminal; Meycauayan – Recto; Balagtas – Monumento; Springville, Molino Bacoor – Alabang via Daanghari; Molino – Alabang via Daanghari; Molino Bacoor – Ayala Center Terminal via Skyway; Golden City (Dasmariñas) – Ayala Center; Pacita – Makati Square; Pacita Complex – Ayala Center Terminal via San Pedro Exit; Pacita Complex (Laguna) – SM Makati.

Pacita (San Pedro, Laguna) – Makati Square; Pacita Complex – Ayala Center via Southwoods Exit; Barangay Mamatid (Cabuyao, Laguna) – Festival Mall; Mamatid (Cabuyao, Laguna) – Festival Mall (Alabang); Balibago (Laguna) – SM Southmall (Las Piñas); Taytay – EDSA Central; Greenland Executive Village (Cainta) – Ayala; Rodgriguez – Sta. Lucia Grandmall (Cainta); Masinag – Ayala; Antipolo – Ayala; Antipolo – Ayala Via C5; Antipolo – Ayala Via Tikling; Antipolo – Ayala Via Circumferencial Rd.; San Mateo (Rizal) – Ayala Ave.; Binangonan – Sta. Lucia (Cainta); Binangonan – SM Megamall; Binangonan -EDSA Starmall; Binangonan – EDSA Central; Binangonan – Marikina Riverbank via LRT Santolan; Cardona – EDSA Starmall; Cardona – EDSA Central; at Morong – SM Megamall.