Connect with us

Utos ni Pang. Duterte para sa pagpapalawak ng pork imports, pinababawi ng ilang senador

Pinababawi ng ilang senador ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte hingil sa pagtapyas ng taripa o buwis at pagdagdag ng minimum access volume sa pork imports sa bansa.

National News

Utos ni Pang. Duterte para sa pagpapalawak ng pork imports, pinababawi ng ilang senador

Pinababawi ng ilang senador ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte hingil sa pagtapyas ng taripa o buwis at pagdagdag ng minimum access volume sa pork imports sa bansa.

Sa ginawag pagdinig ng Senate Commitee of The Whole, sumentro ang usapin sa kautusan ni Pangulong Duterte para sa pagtapyas ng taripa at pagpapalawak ng minimum access volume (MAV).

Matatandaan na noong nakaraang linggo araw Miyerkules ng ipinalabas ang Executive Order 128 na kung saan mula sa 30 % ay pansamantalang  ibaba sa 5% ang taripa o buwis sa loob ng unang tatlong buwan.

Ayon sa mga senador, papatayin ng kautusan ang industriya ng mga local hog raisers at ang kikitain ng pamahalaan.

Sa tala ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson ay  nasa ₱3.6 bilyon ang mawawalang revenue sa pamahalaan sa pagliit ng taripa sa pork imports at nasa 80,000 na backyard hog raisers ang magiging apektado.

Ani Lacson, “Botcha o double-dead ang epekto ng EO 128. Bakit? Patay ang lokal na industriya ng baboy; patay din ang koleksyon ng taripa ng gobyerno.”

Ganito rin ang panawagan ni Sen. Villanueva, aniya mas higit na tulong ang ibigay ng pamahalaan sa mga local hog raisers sa halip na karagdagang problema.

Sinabi naman ni Sen. Cynthia Villar, Chairman ng Senate committee on Agriculture na hindi na kailangan pang babaan ang taripa lalo pa’t karamihan sa mga pork import ay OFFAL o hindi magandang karne.

Hindi rin ito kumbinsido sa pinalawak na MAV para sa pork imports.

“There is no need to reduce tariff because majority of the imports are offal with 5%-10% tariff. In addition, there is no need to increase MAV because the good meat under MAV and outside MAV which has is has only around 30% to 40% tariff is only 30% ng sinasabi nilang short ng local production.”

Si DA Sec. William Dar nanindigan na pinag aralang mabuti ng ahensya ang rekomendasyon ng Presidente.

Giit nito na dahil sa sobrang kakulangan ng suplay ang dahilan dulot ng ASF kaya kailangan ang malawakang pork imports.

Nanindigan naman si Villar na hindi malabo ang basehan ng DA para humantong sa 400,000 metric tons ang inirekomendang MAV sa pangulo.

Aniya kailangang ibase ang paglaki ng MAV sa history ng bansa sa pork imports.

Aniya sa loob ng sampung taon ay nasa 120,000 metric tons lamang ang inangkat na baboy ng bansa.

Una naman dito ay sinabi ni Lacson na kwestyonable ang kakulangan ng suplay gayong mula  2018-2020 kung saan nagkaroon ng ASF ay nasa 2.25 million metric tons ang average na lokal na produksyon  at nasa 1.85 million tons lang ang average ng consumption ng bansa sa karneng baboy.

“So where is the shortage? Hindi ba malinaw na higit pa sa sapat ang supply mula sa local na produksyon upang matugunan ang pangangailangan ng ating bansa?” ang katanungan ni Lacson.

More in National News

Latest News

To Top