Connect with us

Utang ng Philhealth sa Red Cross, muling lumubo dahil sa COVID-19 tests

Muling humingi ng paumanhin ang pamunuan ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) sa Philippine Red Cross dahil sa muling pagkaantala ng kanilang pagbabayad sa utang nito para sa COVID-19 tests.

National News

Utang ng Philhealth sa Red Cross, muling lumubo dahil sa COVID-19 tests

Muling humingi ng paumanhin ang pamunuan ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) sa Philippine Red Cross dahil sa muling pagkaantala ng kanilang pagbabayad sa utang nito para sa COVID-19 tests.

Ayon kay Philhealth Spokesperson Rey Baleña, natagalan ang pagproseso sa pagbabayad dahil kailangan pang sumunod ng state insurer sa mga patakaran ng Commission On Audit o COA sa pagproseso ng claims.

Bukod pa dito, dumaan din aniya ang sunud-sunod na holiday.

Nangako naman ang PhilHealth na babayaran nito ang utang sa PRC.

Matatandaan na noong weekend ay inihayag ni PRC Chairman Richard Gordon na halos umabot na sa ₱800 milyon ang utang ng PhilHealth dahil sa mabagal na pagproseso ng pagbabayad nito.

Image may contain: sky and outdoor, text that says 'PHILIPPINE PPINE RED CROSS'

Dahil dito, posibleng mapilitang suspendihin muli ng PRC ang pagsasagawa nito ng COVID-19 testing nito.

Ito ang pahayag ni Gordon dahil sa muling pagkabigo ng PhilHealth na bayaran ang utang nito na ngayon ay umabot na sa ₱762.8 milyon.

Paliwanag ng PRC, kailangan nila ng pondo para sa karagdagang supplies na kailangan sa pagsusuri sa COVID-19 at sa iba pang serbisyo ng ahensya.

Matatandaan na noong Oktubre ng nakaraang taon ay itinigil ng PRC ang COVID-19 tests nito na babayaran ng PhilHealth matapos umabot sa halos isang bilyon ang utang nito.

Muli namang ibinalik ng Red Cross ang testing nang mabayaran ng PhilHealth ang kalahati ng kanilang utang sa PRC.

More in National News

Latest News

To Top