Connect with us

Utang ng PhilHealth sa PRC, aabot pa sa ₱713M– Sen. Gordon

Urong-sulong!Ito ang inihayag ni Sen. Richard Gordon, chairman ng PRC hinggil sa pagbabayad ng (PhilHealth) sa kanilang utang sa panayam ng Sonshine radio.

National News

Utang ng PhilHealth sa PRC, aabot pa sa ₱713M– Sen. Gordon

Urong-sulong!

Ito ang inihayag ni Sen. Richard Gordon, chairman ng Philippine Red Cross hinggil sa pagbabayad ng Philippine Health Insurance (PhilHealth) sa kanilang utang sa panayam ng Sonshine radio.

Ani Gordon,“Bumaba na ng 400 ‘yan tapos sinasadya nila, urong-sulong sila eh. Ang gusto kasi, siguro tumigil kami, para ang mga bata nila ang mapapansin.”

Sa ngayon, aabot pa sa ₱713 milyon ang kasalukuyang utang ng PhilHealth sa Red cross.

Dagdag pa ni Sen. Gordon, binababa na nila ang presyo ng COVID-19 testing at nagkaroon na rin ng saliva test upang mas maging mura ang presyo.

“ 2K lang ‘yon, puwede ko pang ibaba yon. Ang tanong ko sayo, kailangan ba ang Red Cross ang gagawa nito.”

Ayon pa sa senador, ang red cross ang may pinaka-maraming ginawang COVID-19 test sa buong Pilipinas.

Aniya, nasa 2.3 milyon na ang nasuri ng Philippine Red Cross.

Samantala, ani Gordon, si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang maaring makatutulong upang maresolba ang isyung ito.

More in National News

Latest News

To Top