Connect with us

Usec. Badoy kay VP Leni: walang kwentang lingkod bayan

Tinawag na walang kwentang lingkod bayan ni National Task Force To End Local Communist Armed Conflict Lorraine Badoy si Vice President  Leni Robredo.

National News

Usec. Badoy kay VP Leni: walang kwentang lingkod bayan

Tinawag na walang kwentang lingkod bayan ni National Task Force To End Local Communist Armed Conflict (NTF-Elcac) Spokesperson Lorraine Badoy si Vice President  Leni Robredo.

Ito’y matapos na inalmahan ng pangalawang pangulo ang paglalaan ng pondo para sa programa laban sa CPP-NPA-NDF.

Ani Badoy, ” Ang kalaban ng NTF-ELCAC, ay kalaban ng bayan,politiko ka man o pribadong indibidwal.”

Ganito rin hinihimok ng NTF-ELCAC ang publiko kaugnay sa tamang pagkilala sa mga indibidwal o grupo na may koneksiyon o sumusuporta sa mga programa at propaganda ng CPP-NPA-NDF sa bansa.

Simula nang maitatag ang EO number 70  o NTF-ELCAC na pinirmahan ni  Pangulong Rodrigo Duterte, hindi na ito linubayan ng kontrobersiya at reklamo partikular na sa mga makakaliwang grupo at ilang miyembro ng oposisyon mula sa Kamara at Senado.

Partikular na nagiging usapin ang sinasabing bilyun-bilyong pisong pondo na inalaan ng pamahalaan para sa insrugency fund ng bansa.

Sa kanilang programang Laban Kasama Ang Bayan sa SMNI News, hindi na napigilan ni NTF-ELCAC Spokesperson USec. Lorraine Badoy na pasaringan ang mga indibidwal na tahasang humahadlang sa programa ng ahensiya na layong wakasan ang problema ng komunismo at terorismo sa bansa.

Ayon sa opisyal, tanging sa kasalukuyang pamahalaan lang nito nakita ang seryosong pagtalakay sa usapin ng isurhensiya sa bansa.

Ang ikinalulungkot pa ni Usec. Badoy ang tahasang pagkwestiyon ng maraming politiko kasama na ang mismong pangalawang pangulo ng bansa na nagsusulong na ipatigil muna ang pagpopondo sa NTF-ELCAC dahil sa kasalukuyang problema ng pandemiya sa bansa.

Sa isa nitong pahayag, sinabi ni Vice President Leni Robredo na marami sa ngayon ang nagugutom dahil sa pandemiya kung kaya’t mainam aniya na huwag munang lagyan ng pondo ang insurgency program ng pamahalaan.

Bagay na kinontra ito ng NTF-ELCAC dahil malaking kawalan ito sa pagsusulong ng kapayapaan at seguridad sa bansa.

Giit pa ng kalihim, hindi na lingid sa kaalaman ng publiko ang pandidiri ng tao sa mga propaganda ng CPP-NPA-NDF, pero tila nagkakaroon pa ito ng panimulang lakas dahil sa pagpigil ng ilang politiko sa mga programa laban sa terorismo.

Ayon sa isa sa mga batikang politiko sa bansa na si dating Senate President Juan Ponce Enrile, hindi maganda na putulan ng pondo ang NTF-ELCAC dahil pinag uusapan aniya rito ang seguridad ng bansa.

Samantala, sang ayon din dito si Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ  at sinabing mas mainam na pondohan ang progama upang tuluyan nang mawala ang ugat ng terorismo sa bansa dahil sa usapin ng kahirapan at kakulangan ng access ng taumbayan sa pamahalaan.

More in National News

Latest News

To Top