Connect with us

US prosecutors, kailangang magpakita ng mabigat na ebidensya vs. Pastor Apollo C. Quiboloy – DOJ

US prosecutors, kailangang magpakita ng mabigat na ebidensya vs. Pastor Apollo C. Quiboloy - DOJ

National News

US prosecutors, kailangang magpakita ng mabigat na ebidensya vs. Pastor Apollo C. Quiboloy – DOJ

Iginiit ng Department of Justice (DOJ) na kailangang magpresenta ang US prosecutors ng mabigat na ebidensya para patunayan ang alegasyong ibinabato kay Pastor Apollo C. Quiboloy -ang Executive Pastor ng The Kingdom of Jesus Christ.

Inihayag ito ni DOJ Sec. Menardo Guevarra sa isyu ng kinahaharap ngayon ni Pastor Apollo na umano’y ‘sex trafficking’ na isinampa Estados Unidos.

Kaya ayon sa Department of Justice (DOJ), para mapatunayan ang alegasyon ay kailangang ma-ipresenta ng prosekusyon ang proof beyond reasonable doubt.

Ibig sabihin ay wala dapat makatwirang duda o alinlangan ukol sa pagkakaroon ng sala ang kanilang inaakusahan.

“Of course! The burden of proof is in the prosecution, kahit dito sa Pilipinas, ganon din yon. Ang prosecutor ang magpapakita ng evidence beyond reasonable doubt na guilty yung accused. Kung hindi niya kayang patunayan yung yung ganoong level o quantum ng evidence eh ma-acquit yung accused. Kailangan ganoon ang level ng proof. Proof beyond reasonable doubt”, ani Sec. Menardo Guevarra.

Sa isyu naman na baka ma-extradite si Pastor Apollo dahil sa kanyang kaso sa US, ipinaliwanag ni Guevarra na hindi basta-basta maaaprubahan ito.

“Tayo yung requested state, so yung requesting state for example the US through diplomatic channels will do a formal request in writing, naka-address sa Department of Foreign Affairs. So ang Department of Foreign Affairs naman titingnan kung lahat ba ng mga documents necessary to process the request ay nandoon kasama naba yan sa request. Pag nakita ng DFA na kumpleto naman yung mga requirements, yung mga attached documents the DFA will endorse the matter of the Department of Justice”, dagdag pa nito.

Pagkatapos sa DFA, ang DOJ na ang magdedetermina ani Guevarra kung extraditable offense ba na sakop ang reklamo.

Bukod diyan, susuriin pa ng DOJ kung may sapat bang ebidensya para magkaroon ng probable cause.

Kung mabigat na basehan, ililipat ng DOJ sa Regional Trial Court ang petisyon para magkaroon ng summary hearing.

Kung pagbibigyan ang extradition request, maaari pa itong e-apela sa court of appeals.

At kung hindi uubra sa appellate court, sa Korte Suprema pa rin ang bagsak nito bilang final arbiter ng mga kaso sa bansa.

“Ngayon kung magiging final yun, that’s the only time that the Philippine government will surrender the person of the accused or of the defendant to the foreign state. So it’s a long process, in other words i cannot say na baka one year lang yan so forth and so on. Baka yung trial doon sa Regional Trial Court baka siguro sandali lang yan baka 1 year, pero may process of appeal. So yung process of appeal ang hindi natin masasabi kung gaano kabilis”, giit pa ni Guevarra.

Nilinaw naman ni Guevarra, na wala pang natatanggap na extradition request ang pamahalaan ng Pilipinas mula sa us government.

Nauna nang tiniyak ng abogado ni Pastor Apollo sa Amerika na si Atty. Michael Green na walang mangyayaring extradition.

Sinabi pa ni Sec. Guevarra na ang extradition ay hindi nangangahulugan na guilty na ang isang akusado

“Ngayon kung magkaroon man ng extradition dito sa atin, yung extradition ay hindi magde-determine kung innocent or guilty yu-ong person sought to be extradited. It’s only an administrative procedure para lang makuha yung person of the accused at madala doon sa country where he is facing trial. So pag na-extradite halimbawa ang isang tao, na-grant yung petition to extradite him, hindi ibig sabihin noon na guilty siya, noong offense charged. Ang ibig lang sabihin noon, okay sinusuko namin ang taong ito dahil meron tayong agreement, yun lang ang ibig sabihin nun.”

More in National News

Latest News

To Top