Muling nagbigay ang Estados Unidos ng karagdagang P11.4 milyong na halaga ng PPEs sets at medical supplies sa ilang ospital sa 11 lungsod sa buong bansa.

US, muling nagbigay ng P11.4-M halaga ng PPEs at medical supplies

National News

Muling nagbigay ang Estados Unidos ng karagdagang P11.4 milyong na halaga ng Personal Protective Equipments (PPEs) sets at medical supplies sa ilang ospital sa 11 lungsod sa buong bansa.

Sa pahayag ng US Embassy sa Manila, binubuo ang mga suplay ng iba’t ibang face protection, infrared thermometers, disposable gloves, masks, at medical clothing.

Ayon sa Embahada, ipamamahagi ang mga PPE set at medical supplies sa 16 na iba’t ibang medical facilities sa Palawan, Batangas, Pampanga, Cebu, Sulu, Maguindanao, Zamboanga del Sur, Basilan, Tawi-Tawi, Misamis Oriental, at Lanao del Norte.

Sinabi ni U.S. Ambassador to the Philippines Sung Kim na ang panibagong ayuda ng US government ay isang testamento ng kanilang patuloy na pangako na matulungan ang Pilipinas na labanan ang pandemya.

Dahil sa bagong batch ng donasyon, umabot na sa P989 milyong ang ibinigay na tulong ng US sa Pilipinas para sa COVID-19 response.