Connect with us

Urgent bill para sa COVID-19 Vaccination Program, lusot na sa Kamara

Pinagtibay na sa Kamara ang panukalang batas na layong pabilisin ang procurement ng COVID-19 vaccine ng pamahalaan.

National News

Urgent bill para sa COVID-19 Vaccination Program, lusot na sa Kamara

Pinagtibay na sa Kamara ang panukalang batas na layong pabilisin ang procurement ng COVID-19 vaccine ng pamahalaan.

Ang panukala ay kabilang sa sinertipikahang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong nakaraang linggo.

Sa ilalim ng House Bill 8648 o ang “COVID-19 Vaccination Program Act of 2021”, pahihintulutan ang Local Government Units o LGUs na magbigay ng downpayment nang hanggang 50% para sa pagbili ng bakuna.

Mananatili naman ang presensya ng multiparty agreement sa pagbili ng LGU funded vaccines.

Ibig sabihin, obligadong idaan sa Department of Health (DOH) at NTF on COVID-19 ang LGU sa pagbili ng bakuna sa isang vaccine supplier.

Pati mga donasyon na bakuna ay dadaan parin sa multiparty agreement.

Nasasaad din sa panukala na bawal sa LGUs na bumuli ng bakuna na lagpas ng 50% ng kanilang populasyon.

Ang IATF naman ang magpapasya sa request ng isang LGU kung nais nito na lampas sa 50% ng populasyon ang dami ng bakunang bibilhin.

Sa section 5 naman ng panukala, pati private entities na bibili ng COVID-19 vaccine ay kailangan ding dumaan sa multiparty agreement.

Batay din sa panukala, tanging sa mga manggagawa lamang ng private entities ito gagamitin gaya ng health care workers, senior citizens, economic frontliners at essential workers.

At tanging mga bakuna lamang na aprubado ng Food and Drug Administration (FDA) na may hawak na Emergency Use Authorization ang maaring bilhin ng pamahalaan.

Samantala maglalaan naman ng P500-M na indemnity fund para sa mga magkakaroon ng adverse effects ng COVID-19 vaccine.

Magkakaroon din ng vaccine passport program ang batas na maglalaman sa record ng COVID-19 vaccinations ng isang indibidwal.

Obligado naman ang vaccine czar at IATF na magsumite ng report sa Kongreso sa loob ng dalawang linggo kasunod ng effectivity ng batas at kada tatlong linggo hinggil sa implementasyon ng COVID-19 vaccination program.

Tatagal naman hanggang June 30, 2022 ang effectivity ng panukala maliban na lamang kung mas maaga aalisin o palawigin ang pagsasailalim sa state of calamity and public health emergency ng bansa.

 

More in National News

Latest News

To Top