Undertaker, opisyal nang nag-retiro sa WWE

Sports

Matapos ang tatlong dekadang wrestling career, ay opisyal nang nagretiro si Mark Calaway o mas kilala sa tawag na Undertaker sa World Wrestling Entertainment (WWE).

Inanunsyo ni Calaway ang kanyang retirement sa final episode ng “The Last Ride” documentary sa WWE network.

Sa official Twitter naman nito, sinabi ng 55-year-old veteran wrestler na hindi niya isinasara ang posibilidad ng pagbabalik.

Aniya, tanging oras lang ang makakapagsabi ngunit sa ngayon ay wala na siyang kagustuhan na muli pang magbalik sa ring.

Sinabi din nito na nalulungkot siya sa kanyang pagbabalik ngunit sa ngayon ay tuluyan na muna siyang magpapaalam sa industriya.

Huling nakaharap ni Undertaker si AJ Styles sa wrestlemania 26 sa isang “Boneyard Match” noong nakaraang Abril.