Connect with us

Umano’y pag-atras ng foreign investors na mamuhunan sa bansa, pinasinungalingan ng Malakanyang

National News

Umano’y pag-atras ng foreign investors na mamuhunan sa bansa, pinasinungalingan ng Malakanyang

Walang katotohanan ang napabalitang pag-atras ng foreign investors na mamuhunan sa bansa.

Ito ang binigyang-diin ni Presidential Spokesperson Secretary Salvador Panelo sa gitna ng pahayag ng grupong Law Asia na apektado ang foreign investments ng Pilipinas dahil sa isyu ng extra-judicial killings.

Ani Panelo, sa katunayan pa nga nito ay sinabi ng economic managers ni Pangulong Rodrigo Duterte na mas dumarami pang mga dayuhan ang nagpahayag ng interes na mag-invest sa bansa.

Binanggit pa ng Palace Spokesman na patuloy ang paglakas ng foreign investments sa kasalukuyang administrasyon kung ikumapara sa mga nakalipas na panahon.

Kaugnay nito, bumuwelta rin ang palasyo sa mga naglipanang iba’t ibang teorya gawa ng oposiyon at makakaliwang grupo.

Kapwang  nagsasabi na ang pagkalas ng Pilipinas sa Rome Statute ay upang iwasan ni Pangulong Duterte ang pag-uusig ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng mga kaso ng extra-judicial killings at paglala pa ng human rights violations sa bansa.

 

Cresilyn Catarong

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top