Connect with us

Umano’y ouster plot laban kay House Majority Leader Martin Romualdez, namumuo sa Kamara

May balak umano si House Speaker Lord Allan Velasco na palitan bilang House Majority Leader si Leyte Rep. Martin Romualdez.

National News

Umano’y ouster plot laban kay House Majority Leader Martin Romualdez, namumuo sa Kamara

May balak umano si House Speaker Lord Allan Velasco na palitan bilang House Majority Leader si Leyte Rep. Martin Romualdez.

Sina Romualdez, Velasco at dating House Speaker Alan Peter Cayetano ng Taguig-Pateros ay kasama sa ‘term sharing agreement’ na binuo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa speakership post.

Sa ilalim ng kasunduan, naghati sa posisyon bilang Speaker sina Velasco at Cayetano habang si Romualdez ay mananatiling Majority Leader hanggang matapos ang 18th Congress.

Si Romualdez ay party president ng Lakas-Christian Muslim Democrats o Lakas-CMD na may 47 na miyembro sa Kamara.

Pero kamakailan ay tinanggalan ng posisyon ang dalawang miyembro ng Lakas-CMD.

Inalis bilang Deputy Majority Leader si Zamboanga Sibugay Rep. Wilter “Sharky” Palma at inilipat bilang vice-chairman ng Committee on Legislative Franchises.

Habang tinanggal din sa parehong posisyon si Quezon City Rep. Anthony Peter “Onyx” Crisologo at inilapat bilang vice-chair ng House Committee on Games and Amusement.

Batay sa report, ang hakbang ng liderato na tanggalan ng majority position ng dalawa ay hudyat umano ng namumuong ouster plot laban kay Romualdez.

Ayon naman kay Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor, hindi na pwedeng magsama sina Velasco at Romualdez sa liderato dahil sa kumpas ng Speaker.

Diin ni Defensor, insecure umano si Velasco kay Romualdez dahil may numero ito sa Kamara.

Sinabi din nito sa SMNI News na totoo ang ouster plot laban kay Romualdez.

At kapag nangyari ito ay mawawalang saysay ang gentleman’s agreement na binuo mismo ni Pangulong Duterte.

Sinabi din nito na muling sinira ni Velasco ang pagkakaisa ng mga taga- Kamara.

“The move to take out Martin Romualdez is real. If that happens, then the gentleman’s agreement is off. Speaker Lord has once again destabilizes and further divides the house,” ang pahayag ni Defensor

Samantala sa panig ng liderato, sinabi ni Senior Deputy Speaker Salvador “Doy’ Leachon na hindi totoo ang ouster plot laban kay Romualdez.

Ayon kay Senior Deputy Speaker Salvador “Doy” Leachon, “It’s not true. Sana alam ko kung totoo. No reason at all because relationship with ML Martin has been so far professional & untainted.”

Wala rin aniyang rason ang ouster plot dahil nananatiling matatag ang relasyon nina Speaker Velasco at Romualdez.

Kaugnay nito, pinabulaanan naman ito ng kampo ni Speaker Velasco.

Ang mga taga- Lakas ang nagsilbing swing vote noon para makuha ni Velasco ang pwesto.

More in National News

Latest News

To Top