Hindi pinaboran ng mga kongresista ang pagbibigay ng prangkisa ng ABS-CBN.

Umano’y mga paglabag ng ABS-CBN, pinaiimbestigahan sa Kamara

National News

Pinaiimbestigahan ngayon sa Kamara ang ABS-CBN Corporation kaugnay sa mga umano’y franchise violations nito.

Naghain sina Presidential son at Davao City Rep. Paolo Duterte at dalawa pang mga mambabatas ng House Resolution No. 853 na humihiling sa House Committee on Legislative Franchises na magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa isyu ng franchise violations.

Sa House Resolution No. 853, na pinasa ni Rep. Duterte, ACT-CIS Party-list Rep. Eric Yap at Rep. Abraham Tolentino, isa sa mga balak paimbestigahan ay ang pay-per-view channel sa pamamagitan ng Kapamilya box office channel sa ABS-CBN TV plus.

Ang pag-isyu ng Philippine Depository Receipts sa mga non-Filipino residents.

Isa rin sa mga naging mainit na usapin ang hindi pag-ere nito sa election ads ni Pangulong Duterte noong kasagsagan ng kampanya.

Matatandaang una nang ipinahinto ng National Telecommunications Commission (NTC) ang operasyon ng giant network dahil sa napasong prangkisa nito noong Mayo 4. Naglabas ng ‘cease and desist order’ ang NTC laban sa ABS-CBN noong Mayo 5.

Samantala, naghain naman ang ABS-CBN ng petisyon sa Korte para sa temporary restraining order (TRO) sa naging desisyon ng NTC. Naninindigan pa rin ang Kapamilya Network na wala itong nilabag na batas.