Connect with us

Umano’y lider ng Magpali Gun-for-Hire Group, sumuko sa PNP

Sumuko sa Philippine National Police (PNP) ang dating pulis na umano'y lider ng Magpali gun-for-hire group na nagsasagawa ng operasyon sa Ilocos-Pangasinan region.

National News

Umano’y lider ng Magpali Gun-for-Hire Group, sumuko sa PNP

Sumuko sa Philippine National Police (PNP) ang dating pulis na umano’y lider ng Magpali gun-for-hire group na nagsasagawa ng operasyon sa Ilocos-Pangasinan region.

Si Wilson Magpali ay dating Police Lieutenant Colonel na sinibak sa serbisyo matapos masangkot sa pagpatay.

Ayon kay PNP chief Police General Guillermo Eleazar, lumutang si Magpali matapos makaramdam ng pressure sa manhunt operations ng PNP tracker team na naatasang maghanap sa kanya at sa mga hinihinalang miyembro ng grupo.

Kasama ang kanyang abogado nang humarap si Magpali sa PNP Intelligence Group para magsumite ng affidavit at linisin ang pangalan sa isyu.

Inamin ni Magpali na natatakot siya sa kanyang buhay kaya humarap sa pulisya at itinangging siya ang lider ng grupo na sangkot sa gun-for-hire at akusasyon na planong pagpatay sa mga politiko sa La Union.

Pansamantalang nasa kustodiya ng PNP Intelligence Group ang dating pulis habang sasailalim sa imbestigasyon.

More in National News

Latest News

To Top