Connect with us

Ulat tungkol sa human rights violations ng CPP-NPA-NDF, isinumite sa U.N

Isinumite ng AFP Human Rights Office ang ulat tungkol sa paglabag sa karapatang pantao ng CPP-NPA-NDF sa United Nations (U.N).

National News

Ulat tungkol sa human rights violations ng CPP-NPA-NDF, isinumite sa U.N

Isinumite ng AFP Human Rights Office ang ulat tungkol sa paglabag sa karapatang pantao ng CPP-NPA-NDF sa United Nations (U.N).

Tinanggap ito nina Signe Poulsen, Representative to the Philippines ng Office of the High Commissioner for Human Rights at Gustavo Gonzales, UN Resident and Humanitarian Coordinator in the Philippines.

Nakapaloob sa ulat an 532 insidente ng paninira ng CPP-NPA-NDF sa civilian property simula 2010.

Una nang isinumite ng militar ang ulat sa Commission on Human Rights (CHR) upang matulungan ang mga biktima ng grupo.

Matatandaan na idineklara ng Anti-Terrorism Council (ATC) na isang teroristang grupo ang CPP-NPA dahil sa karahasang ginagawa sa bansa.

Bagay na pinalagan ng grupo at sinabi ni Marco Valbuena, information officer ng CPP, ang naturang pagkilala na ibinigay sa kanila ng ATC ay isa lamang pasimula para sa panggigipit sa kanilang hanay.

Kabilang din sa mga organisasyong idineklarang terorista ang Islamic State in Iraq and Syria o ISIS sa South-East Asia at ang Maute-ISIS.

Nanindigan pa si Valbuena na hindi kasama sa listahan ng mga itinuturing na teroristang grupo ng United Kingdom at Australia ang CPP-NPA.

Gayunman, ayon sa ATC, may sapat na dahilan para ituring na terorista ang rebedeldeng grupo dahil sa kanilang marahas at armadong gawain na nagreresulta ng pinsala sa mga ari-arian, pagpatay, at masamang epekto sa kalakalan at ekonomiya.

More in National News

Latest News

To Top