Connect with us

UK variant sa bansa, pumalo na sa 87 – DOH

Pumalo na sa 87 ang kabuuang bilang ng kaso ng UK variant ng COVID-19 sa bansa.

National News

UK variant sa bansa, pumalo na sa 87 – DOH

Pumalo na sa 87 ang kabuuang bilang ng kaso ng UK variant ng COVID-19 sa bansa.

Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 30 na karagdagang kaso ng UK variant mula sa pinakabagong sequencing batch.

Ayon sa DOH, 20 sa bagong kaso ay Returning Overseas Filipinos (ROF), 3 ay local cases habang beneberipika pa kung local cases o ROFs ang 7 iba pa.

Sinabi ng DOH na ang 20 ROFs ay pumasok sa bansa mula Middle East, Singapore, at United States of America sa pagitan ng Enero 20 at Pebrero 16.

13 anila dito ay aysmptomatic active cases habang 7 ay nakarekober na.

Habang ang tatlong local cases ay mula Cordillera Administrative Region (CAR) kung saan ang isa ay kasalukuyang active at naka-admit sa isang hospital, ang isa ay nakarekober na at ang isa ay napaulat na nasawi.

Samantala, nanatili pa rin sa 34 ang kaso na may mutation of interest sa bansa sa kabila ng pagkakadetect sa dalawang pang samples sa region 7 na may n501y at e4845 mutations.

Sinabi ng doh na matapos ang verification, inalis sa listahan ang dalawang kaso na una nang inulat na may mutations.

Nagpaalala naman ang doh sa publiko na sa kabila ng pagdating ng bansa ng bakuna kontra covid-19 ay mahalaga pa rin ang pagsunod sa minimum public health standards para maiwasan ang community transmission at virus mutations.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top