Connect with us

Turismo sa Baguio City, bubuksan na sa Setyembre

Regional

Turismo sa Baguio City, bubuksan na sa Setyembre

Makaraan ang ilang buwang pagsasara dahil COVID-19, bubuksan ng Baguio City sa mga turista ang lungsod sa susunod na buwan.

Ang pagbubukas ng turismo sa Pines City ay pangangasiwaan ng Baguio Visitor Informationand Travel Assistance na ilulunsad ngayong buwan.

Ayon kay Mayor Benjamin Magalong sa bagong Sistema, limitado lamang ang makakapasok sa lungsod upang maiwasan ang pagdagsa ng turista at dapat din magsumite ng online application sa vis.i.t.a bago makipag ugnayan sa accredited tour operators na maglalabas ng itinerary at tour accomodations.

Ang bisita ay sasailalim din sa PCR testing na sila ang magbabayad at kailangan nilang mag stay sa hotel sa loob ng 9 na araw habang hinihintay ang resulta ng swab test.

Plano ng Baguio City na buksan na ang lungsod para sa mga turista mula sa mga karatig-probinsya nito sa Setyembre.

Ayon kay Mayor Benjamin Magalong, nasa P1.6 bilyon na ang nawala sa The City of Pines sa gross revenues mula Abril hanggang Hunyo.

Sinabi ni Magalong na tutungo sa lungsod ang mga governor ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union para pagusapan ang bubble tourism.

Samantala, sinabi ni Magalong na bubuksan nila ang lungsod para sa mga residente ng Metro Manila sakaling maitayo na ang isang one-stop shop center para sa coronavirus triage at testing.

More in Regional

To Top