Connect with us

Tuluyang pag-atras ni Sen. Bong Go sa 2022 presidential race, pinuri ni Bongbong Marcos

Tuluyang pag-atras ni Sen. Bong Go sa 2022 presidential race, pinuri ni Bongbong Marcos

National News

Tuluyang pag-atras ni Sen. Bong Go sa 2022 presidential race, pinuri ni Bongbong Marcos

Naka-taxi lamang si Senator Bong Go nang magtungo sa COMELEC Intramuros kahapon para opisyal na bawiin ang kanyang kandidatura para sa 2022 presidential race.

“Uulitin ko as a matter of principle, wala na po ako sa karerang ito”, – Bong Go.

Pinuri naman ni Presidential aspirant Bongbong Marcos ang pag-atras ni Go.

Ayon kay Marcos, ang ginawa ni Go ay larawan ng pagiging tunay na public servant na handang magsakripisyo para sa pagkakaisa at interes ng bayan.

“Sen. Bong Go clearly acted his part in strengthening those of us aligned with the Duterte Administration. His withdrawal only mirrored his worth as a true public servant, one who is willing to sacrifice his personal aspirations to serve a common purpose and a higher cause: a unified nation crucial to the national interest”, saad ni Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. – partido Federal ng Pilipinas, Presidential Aspirant.

Giit pa ni Marcos, kahanga-hanga ang tinuran ni Go na hudyat ng pagsuporta nito sa panawagan na pagkakaisa ng BBM/Sara Uniteam.

“We commend Sen. Go for this selfless gesture.”

Samantala, ikinalungkot naman ni Marcos ang pag-atras ni Pangulong Duterte sa  senatorial race.

Ayon kay BBM, dapat igalang ang naging pasya ng Pangulo

Tiniyak din nito na kung mabibigyan sila ng pagkakataon ay ipagpapatuloy at pagagandahin pa nila ni Mayor Sara ang mga legasiyang iiwan ng Duterte Administration.

“If given the chance, the BBM-Sara UniTeam shall continue his legacy programs and, guided by his wisdom, even enhance some of them when necessary.”

Habang si Mayor Sara naman ay iginagalang ang pasya ng kanyang ama.

“The filing of candidacy and withdrawal is a personal decision. We can only support that decision.” – ayon kay Mayor Inday Sara Duterte.

Number 1 sana sa listahan ng BBM/Sara UniTeam sa pagka-senador si PRRD.

Pero ngayong opisyal na ang kanyang pag-atras sa senate race, maghahanap ngayon ng pampalit ang tambalang Bongbong-Sara.

Para naman sa mga nakakakilala sa Pangulo, hindi hiyang ang punong ehekutibo sa trabaho sa Kongreso.

Aminado naman ang PDP-Laban ikinalungkot ng partido ang pasya ng Pangulo.

Si PRRD na chairman din ng PDP-Laban ang sana’y number 1 na pambato ng administrasyon sa pagka-senador.

“Pero based lang sa ating karanasan sa kanya parang hindi niya gusto yung nakaupo at nakikinig sa debate. Nangyari na yan sa kanyang experience as member of congress ng isang termino. Si President Duterte kilala natin isang actionman, gusto niya talagang decision making” – giit ni Peter Laviña Co-Convenor, Sama-Sama Multisectoral Group.

“We have to respect the decision of the president that is a personal decision na kailangan nating tanggapin tungkol sa amin sa partido”, – Atty. Melvin Matibag Secretary General, PDP-Laban

More in National News

Latest News

To Top