Tribute para kay NBA legend Kobe bryant, patuloy na bumubuhos

Sports

Patuloy ang pagbuhos ng pakikiramay at pagkilala sa NBA legend na si Kobe Bryant sa sports world.

Ito ay matapos na masawi si Kobe kasama ang anak nitong si Gianna sa helicopter crash, Linggo ng umaga sa Estados Unidos.

Sa video post ni Dwyane Wade, itinuturing nito na pinaka maipit na pangyayari sa kanyang buhay ang pagkasawi ni Mamba.

Hindi rin aniya, nito malilimutan ang kanilang pagkakaibigan at pinagsamahan sa larangan ng basketball.

View this post on Instagram

#8#24 Forever!

A post shared by dwyanewade (@dwyanewade) on

Sa post naman ni Shaquille O’Neal, itinuturing nito na isang kapatid si Kobe na kanyang nakasama ng mahabang panahon sa koponan ng Lakers.

Samantala sa pagsisimula naman ng laban sa nagpapatuloy na NBA regular season, nag-alay din ng tribute ang mga ito kay Kobe sa pamamagitan ng 24 seconds shot clocks violation kada team.

Si Kobe ay may 20-year career sa NBA sa ilalim ng lakers at napabilang ng 18 beses sa all-star game.

Nakapagtala rin ito ng 5-time NBA championship, 2 time NBA finals MVP, at may 2-time gold medalist sa Olympic games.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *