Connect with us

Travel ban sa 4 na bansa sa Asya, sisimulan na bukas

Qatar, nagpatupad ng temporary travel ban sa Pilipinas at 13 pang mga bansa dahil sa COVID-19 simula ngayong araw

National News

Travel ban sa 4 na bansa sa Asya, sisimulan na bukas

Magsisimula na ang travel ban ng Pilipinas sa mga bansang Nepal, Sri Lanka, Bangladesh at Pakistan bukas, mayo 7 hanggang sa 14.

Ito ang inanunsyo ni Health Undesecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire alinsunod na rin sa utos ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

Ani Vergeire, ang lahat lang na travelers mula sa 4 na bansa na dumating bago ang travel ban ang makakapasok ngunit kailangan ng mga ito na sasailalim sa 14 day-quarantine kahit pa negative ang kanilang Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test result.

Samantala, sa buong buwan ng Abril, mula sa 149 na kabuuang bilang ng mga traveler mula sa India na isinailalim sa quarantine, 5 dito ang nagpositibo habang 137 naman ang nagnegatibo sa virus.

Mula naman sa limang nagpositibo, 4 na ang nakarecover at 1 nalang ang nasa isolation.

Subalit sa kasalukuyan, may 7 travelers na mula India ang isinailalim pa sa pagsusuri.

Tiniyak naman ni Vergeire na wala pang naitalang COVID-19 variant ng India sa Pilipinas.

 

More in National News

Latest News

To Top