Connect with us

Travel ban dahil sa bagong variant ng COVID-19, palalawigin pa sa 5 bansa

Inanunsyo ng Malacañang ngayong araw na papalawigin ng pamahalaan ang travel ban na ipinapatupad nito dahil sa bagong variant ng coronavirus o COVID-19 sa 5 pang bansa kabilang na ang Mainland China.

National News

Bukod sa mga biyahero galing ng China, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang mga biyahero mula sa Pakistan Jamaica, Luxembourg at Oman ay hindi na maaaring makapasok ng bansa simula Miyerkules ng tanghali hanggang Biyernes.

Ang travel ban ay base na rin sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force on Management Of Emerging Infectious Diseases.

Nauna nang nagpatupad ang pamahalaan ng travel ban sa mga biyahero na manggagaling sa 28 na bansa kung saan mayroong record ng bagong variant ng COVID-19.

Sa ngayon ay pinag-iisipan pa ng Malacañang kung papalawigin o tatanggalin na nito ang travel bans na magtatagal na lamang hanggang Biyernes.

More in National News

Latest News

To Top