Connect with us

Traffic enforcer na sinaktan ng babaeng traffic violator, pinarangalan

Binigyan ng parangal ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang isang tauhan ng (MTPB) na nag-viral matapos itong saktan ng isang babaeng motorista.

Metro News

Traffic enforcer na sinaktan ng babaeng traffic violator, pinarangalan

Binigyan ng parangal ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang isang tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na nag-viral matapos itong saktan ng isang babaeng motorista.

Ang nasabing personnel ay kinilalang si Marcus Anzures na kung matatandaan ay ilang beses sinaktan ng sinita nitong si Pauline Mae Altamirano alyas Maria Hola dahil sa paglabag sa batas trapiko na kalaunan ay napag-alaman na isang drug courrier.

Personal na inabot nina Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan ang plake ng pagkilala kay Anzures kasabay ng cash incentives.

Ayon kay Mayor Isko, ginawa nila ang parangal upang magsilbing inspirasyon at modelo ang ginawang pagsunod sa trabaho ni Anzures.

Umaasa ang alkalde na magdo-doble sikap ang iba pang tauhan ng MTPB at huwag silang matakot na gampanan ang kanilang trabaho hagga’t sila ay nasa tama.

Continue Reading

More in Metro News

Latest News

To Top