Connect with us

TESDA, magbibigay ng skills training at trabaho sa ‘Balik-Probinsya’ program

TESDA training Balik-Probinsya program

National News

TESDA, magbibigay ng skills training at trabaho sa ‘Balik-Probinsya’ program

Mananatili sa kanilang pagbibigay ng skills training at trabaho ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA). Ito ay bilang parte nila sa panukalang ‘Balik-Probinsya’ program ng pamahalaan.

Sa naging panayam ng Sonshine Radio kay  RD Florencio Sunico Jr. ng TESDA-NCR, sinabi nitong walang maiiba sa kanilang serbisyo at kontribusyon sakaling ma-implementa na ang naturang programa.

Iginiit pa ni Sunico, na magsasagawa din sila ng masusing profiling. Ito ay para maayos ang magiging deployment ng bawat indibidwal na mag-a-apply sa ‘Balik-Probinsya’ program.

Samantala, siniguro naman nito na syento-porsyentong may mapapasukan kaagad ang lahat ng sasailalim sa training ng TESDA.

“Ang lahat ng mga programa ng TESDA, may ka-tie-up yan na partner na industry,” saad ni Sunico

Continue Reading
You may also like...

More in National News

To Top