Connect with us

Tensyon sa WPS, walang negatibong epekto sa labor relations ng Pilipinas at China – DOLE

Tiwala Department of Labor and Employment (DOLE) Sec. Silvestre Bello III na walang magiging negatibong epekto sa labor relations ng bansa at China ang umuusbong tensyon sa West Philippine Sea.

National News

Ito ay sa kabila ng nangyayari sa WPS kung saan hindi pa rin umaalis ang Chinese ships sa naturang Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa.

Paliwanag ni Bello, patuloy pa rin naman ang komunikasyon sa pagitan ng China at Pilipinas hinggil sa pagsasapinal ng bilateral labor agreement.

Sa katunayan aniya ay nakatakda pang magbukas ng Philippine Oversease Labor Office (POLO) sa Beijing, Shanghai at Shenzhen.

Indikasyon aniya ito na mayroon pa ring trabaho para sa mga Pinoy workers sa naturang bansa.

Kabilang aniya na naghihintay na trabaho sa mga Pinoy sa China ay ang english teacher na kumikita ng hanggang 3,000 US dollars.

Magugunitang ipinatawag ng Pilipinas ang Chinese ambassador sa bansa upang i-apela ang pagpapaalis sa lahat ng mga barko sa Julian Felipe Reef ng Pilipinas.

More in National News

Latest News

To Top