Connect with us

Temporary suspension ng ban sa overseas deployment ng mga nurs, inapela ni Sen. Go

Umapila si Senator Christopher “Bong” Go sa Philippine Overseas Employment and Administration (POEA) para sa pansamantalang suspensyon ng ban sa overseas deployment ng mga nurse

National News

Temporary suspension ng ban sa overseas deployment ng mga nurs, inapela ni Sen. Go

Umapila si Senator Christopher “Bong” Go sa Philippine Overseas Employment and Administration (POEA) para sa pansamantalang suspensyon ng ban sa overseas deployment ng mga nurse at iba pang nursing personnel.

Binigyang diin ni Go na siya ring chairman ng senate health and demography commmittee na makabubuti ang aksyong ito para sa mga out-of-work nurses na mayroong overseas employment contract ngunit hindi pinayagang maka-alis ng bansa dahil sa relayed release ng kanilang visas dahil sa nationwide lockdown bunsod ng COVID-19 pandemic.

Inirekomenda din ng senator sa mga otoridad na alamin ang limitasyon ng bilang ng deployment upang masiguro na mayroong sapat na suplay ng mga nurse sa bansa habang pinararami rin ang bilang nga mga newly—hired Filipino health workers sa ibang bansa na higit na bumaba kasunod ng pagpapatupad ng ban.

Ipinarating din ni Go ang kanyang pagkabahala sa mga nurse at iba pang health workers sa bansa na nahaharap sa mas mataas na peligro ng virus at mas dumadaming trabaho.

Iginiit nito na dapat ipagpatuloy ng pamahalaan na protektahan ang kaligtasan ng health workers sa bansa bilang pagkilala na rin sa ma sakripisyo at dedikasyon ng mga ito upang makapag bigay ng serbisyo sa mga Filipino.

More in National News

Latest News

To Top