Connect with us

Taripa para sa mga aangkating bigas at baboy, huwag  pababain– Sen. Poe

Umapela si Senadora Grace Poe sa Malakanyang na dinggin ang panawagang suporta ng mga rice farmer at livestock raiser sa pamamagitan ng hindi pagpababa ng taripa sa bigas at baboy na aangkatin ng bansa.

National News

Giit ni Poe, hindi makakabangon ang mga hog raisers na pinadapa ng African Swine Fever (ASF) kung babaha ang mga imported na baboy sa merkado.

Pinuna rin ng senadora ang hindi angkop na pagtugon ng Department of Agriculture (DA) sa ASF na umabot pa ng Visayas at ang hindi nito pagtugon sa hinaing ng mga sektor na dapat kinakatawan nila.

Aniya, ang DA pa mismo kasi ang nagpetisyon na babaan ang taripa sa bigas at baboy sa kabila ng mariing pagtutol ng mga nasa agriculture sector.

Sinabi na rin aniya ng mga hog raisers na ang pagpapababa ng taripa ay magreresulta lamang ng mas mataas na kita sa mga importer pero bababa naman ang magiging koleksyon ng pamahalaan.

More in National News

Latest News

To Top