Connect with us

Tangkang pagpatay sa mga opisyal ng NTF-ELCAC, napigilan ng awtoridad

Sumuko sa Philippine National Police (PNP) ang dating pulis na umano'y lider ng Magpali gun-for-hire group na nagsasagawa ng operasyon sa Ilocos-Pangasinan region.

National News

Tangkang pagpatay sa mga opisyal ng NTF-ELCAC, napigilan ng awtoridad

Napigilan ng awtoridad ang tangkang pagpatay sa ilang opisyal ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ito ang inihayag ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. matapos masawi ang pagsisilbi ng limang warrant of arrest sa kasong multiple attempted murder at murder ang tatlong miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Sta. Rosa City, Laguna;

Kinilala ang mga nasawi na sina Rommel Rizza alyas Jomar/Bernie, commanding officer ng NPA Regional Special Operations Group sa Southern Tagalog, at miyembro ng executive committee ng Regional Party Committee; Ka Blue/Billy, Medic at Supply Officer; at Ka Dean, intelligence officer ng grupo.

Nakuha sa lugar ang isang M16 armalite rifle, dalawang caliber 45 pistols, electronic devices at mga dokumento.

Ayon kay Esperon, pakay ng tatlo ang mga opisyal na sina Lieutenant General Antonio Parlade Jr., Undersecretary Lorraine Badoy, Undersecretary Jonathan Malaya, Undersecretary Severo Catura, Undersecretary Joel Sy Egco, Assistant Secretary Celine Pialago, Attorney Marlon Bosantog at Gaye Florendo.

More in National News

Latest News

To Top