Isasailalim sa lockdown ang central office ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) simula sa Huwebes hanggang Biyernes (July 9 -10).

Tanggapan ng MMDA, isasailalim sa lockdown simula sa Huwebes

Metro News

Isasailalim sa lockdown ang central office ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) simula sa Huwebes hanggang Biyernes (July 9 -10).

Ito ay matapos magpositibo sa Coronavirus   Disease 2019 (COVID-19) ang 4 na MMDA personnel matapos ang isinagawang mass rapid testing at confirmatory swab test.

Suspendido rin ang lahat ng transaksyun at trabaho sa nasabing mga araw.

Isasagawa naman ang sanitation at disinfection procedures hanggang linggo, Hulyo 12 upang labanan ang pagkalat ng COVID-19

Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim, “Upon the recommendation of the MMDA COVID-19 Committee, we have decided to suspend the operations at all our offices for sanitation and disinfection to protect not only our personnel but also the transacting public against the virus”.

“We assure the public that our offices will resume operations as soon as we have completed the sanitation and disinfection of our all offices by Monday,” saad ni Lim.

Kasabay nito, magsasagwa rin ng contact tracing sa lahat ng nakasalamuha ng mga nagpositibo sa sakit.

Inatasan din ang mga indibidwal na nakipagtransakyon sa mga ito na mag-comply ng 14-day quarantine period at isasailalim din sa swab test.

Ang MMDA ay may sariling isolation facility para sa kanilang mga empleyado  na nagpositibo at maging sa mga suspects at probabale cases.