Connect with us

Tamang koordinasyon dapat ipatupad lalo na sa buy-bust operations – Sen. Dela Rosa

Dapat maipatupad ang tamang koordinasyon lalo na sa buy-bust operations.

National News

Tamang koordinasyon dapat ipatupad lalo na sa buy-bust operations – Sen. Dela Rosa

Dapat maipatupad ang tamang koordinasyon lalo na sa buy-bust operations.

Ito ang binigyang-diin ni former PNP Chief at Senator Ronald “Bato” Dela Rosa sa panayam ng Sonshine radio.

“Both camps are claiming na merong koordinasyon pero bakit humantong sa ganoon, barilan? At humantong sa humigit kumulang isang oras na bakbakan bago natapos? There seems to be problem in coordination. Kailangan talaga ma-establish natin yan,” ani Bato.

Posible rin aniyang may sangkot talaga sa magkabilang partido sa kalakaran ng ilegal na droga.

“Somebody between the two parties are involved talaga sa selling. Meron talaga diyang nagbebenta ng shabu kasi ang isa diyan buyer ang isa seller. Hindi pwedeng parehong buyer. So in the absence of the commodity, yung shabu, bakit kayo magpapatayan? Pareho kayong bumibili? Bakit kayo magka-arestuhan? Bakit kayo magkabarilan?”

Para aniya mabigyang linaw ang sitwasyon, dapat malaman kung sino ang may hawak ng droga o kung sino ang bibili sa pagitan ng  Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ang nakakalungkot lang aniya nito kung pinagsasabong lang ang dalawang ahensya ng sindikato.

Samantala, naka-eskedyul na ang senado na magsagawa ng hearing ukol sa naturang insidente.

Base sa huling update, dalawa ang nasawi mula sa PNP, isa namang agent mula sa PDEA at isang informant.

More in National News

Latest News

To Top