Connect with us

Tagumpay ni Trillanes sa Scarborough issue, kinuwestiyon ni Enrile

Kinuwestiyon ni dating defense secretary at dating senate president Juan Ponce Enrile ang pahayag ni dating Senador Antonio Trillanes IV na nagtagumpay ito sa kanyang negosasyon sa China sa pamamagitan ng back channel.

National News

Sa kanyang programa sa Sonshine Radio, tinanong ni Enrile kung saan nagtagumpay si Trillanes, dahil bakit nawala sa Pilipinas ang Bajo de Masinloc o ang Scarborough Shoal.

Tinatanong din ng dating senate president kung ano ang tunay na papel ni Trillanes sa negosasyon at kung ano ang naging pag-uusap sa pagitan nito at ng China.

Idinagdag din ni Enrile na malaking katanungan kung bakit nakapasok ang Amerika sa negosasyon sa pagitan ng China at Pilipinas sa usapin sa Scarborough Shoal.

Ito ay kasunod ng pagkakasangkot ng opisyal ng Amerika na si Kurt Campbell na ayon pa sa senador ay siyang nagsabi na may kasunduan na sa China hinggil sa pag-atras sa Scarborough dahilan para i-pullout ng Pilipinas ang mga barko dito nang walang beripikasyon.

More in National News

Latest News

To Top