Tag-ulan, opisyal nang nagsimula ngayong araw – PAGASA

National News

Opisyal nang nagsimula ang rainy season sa bansa.

Ito ang inanunsyo ng PAGASA ngayong araw ng Biyernes.

Ayon sa PAGASA, ang kalat-kalat na pagkulog at pag-ulan buhat ng Tropical Depression “Butchoy” at ng Hanging Habagat sa nakalipas na limang araw ay nagdala ng malakas na pagbuhos ng ulansa kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas.

Samantala, sa 11 AM update ng state weather bureau, namataan ang Bagyong Butchoy 140 kilometro kanluran hilagang-kanluran ng Iba town sa Zambale so 165 kilometro sa kanluran ng Dagupan CIty sa Pangasinan.

Mayroon itong maximum sustained winds na 55 kph malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70kph