Connect with us

Swab-Upon-Arrival policy sa Cebu City, nais maipatupad sa iba pang bahagi ng bansa

Nagpahayag si Sotto III ng pagsuporta sa Swab-Upon-Arrival policy na kasalukuyang ipinatutupad sa Cebu City para sa mga OFWS at Returning Filipinos (ROF).

National News

Swab-Upon-Arrival policy sa Cebu City, nais maipatupad sa iba pang bahagi ng bansa

Nagpahayag si Senate President Vicente Sotto III ng pagsuporta sa Swab-Upon-Arrival policy na kasalukuyang ipinatutupad sa Cebu City para sa mga OFWS at Returning Filipinos (ROF).

Ani Sotto ,”I support Cebu Governor [Gwen] Garcia in their ordinance for Cebu residents, OFWs and ROFs to have a Swab-Upon-Arrival-Policy.  Hindi na kailangan mag quarantine sa mga hotel ng mga Cebu residents, OFWs and ROFs for 10 days or more”

Ito ay sa kabila na ang nasabing polisiya ay salungat sa ipinatutupad ng IATF para sa lahat ng mga Pilipinong magbabalik bansa.

Sa guidelines ng IATF, kailanggan munang mag-quarantine sa mga hotel ang mga ito at oligadong mag RT-PCR Test sa ikapitong araw nila  sa quarantine.

Kung sila naman ay nag negatibo ay saka sila maaring makauwi sa kanilang tahanan para doon ipagpatuloy ang 14 day quarantine.

Sa isang pahayag ay sinabi ni Sotto na ang naturang guidelines na ito ng IATF ay nagbibigay lamang ng karagdagang pasanin sa bahagi ng ng mga OFW.

Aniya sa halip na mapupunta na lamang sa mga mahal nila sa buhay ang kanilang pera ay igagasto pa sa pagbabayad ng hotel para sa kanilang quarantine.

“This is an innovative, safe and reasonable protocol especially for our OFWs.  I’m looking forward that this best practice will be implemented throughout the country,” pahayag ni Sotto.

Aniya  win-win situation ang nasabing polisya para sa gobyerno at mga Pilipinong nagbabalik bansa.

Matatandaan naman na dahil sa polisya ng Cebu ay ipinagutos ng Malakanyang na wala munang lalapag na mga international flights sa  Mactan- Cebu International Airport.

Pero kamakailan ay ipinag utos ni Pang. Rodrigo Duterte sa DOH na suriin ang swab upon arrival policy kung ito ba ay mas makakatulong sa bansa.

 

More in National News

Latest News

To Top