Connect with us

Suspensiyon ng super cup mindanao leg, inalis na; liga, itinakda sa Mayo 30

Suspensiyon ng super cup mindanao leg, inalis na; liga, itinakda sa mayo 30

Sports

Suspensiyon ng super cup mindanao leg, inalis na; liga, itinakda sa Mayo 30

Binigyan na nang go-signal ng Games and Amusement Board (GAB) ang nasuspindeng Chooks-To-Go Pilipinas vismin super cup mindanao leg.

Nakatakdang magsimula ang naturang liga ngayong darating na mayo 30.

Iaanunsyo naman ngayong Linggo kung sino ang magiging host city, kung saan unang sinabi na ito ay isasagawa sa Dipolog sa Zamboanga Del Norte.

Ayon kay Gab Chairman Baham Mitram kabilang sa mga mahigpit na patakaran sa isasagawang liga ay ang ‘no license, no play’ policy.

Kailangang makapagsumite ng mga regulatory requirements tulad ng health screening, drug testing at iba pang dokumento.

Maglalaban-laban naman ang siyam na team ng Cagayan De Oro, Basilan, Roxas, Sindangan, Zamboanga Pagadian, Valencia, Tawi-Tawi at Ozamis at ng mananalo ang makakaharap ng Mandaue team sa darating na vismin super cup grand finals na isasagawa sa Agosto.

 

Continue Reading
You may also like...

More in Sports

Latest News

To Top