Connect with us

Suporta ni Pastor Quiboloy sa kampanya ng pamahalaan vs insurhensiya, kinilala ng isang senador

Kinilala at pinasalamatan ni Senator Christopher “Bong” Go ang suporta ni Pastor Apollo C. Quiboloy, laban sa insurhensiya sa bansa.

National News

Suporta ni Pastor Quiboloy sa kampanya ng pamahalaan vs insurhensiya, kinilala ng isang senador

Kinilala at pinasalamatan ni Senator Christopher “Bong” Go ang suporta ni Pastor Apollo C. Quiboloy, ang executive pastor ng The Kingdom of Jesus Christ at chairman ng SMNI News sa laban ng pamahalaan sa insurhensiya sa bansa.

Para kay Senator Go, walang katulad ang ginagawang kampanya ng butihing pastor laban sa terorismo na dulot ng communist terrorist group na Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Saad pa ng senador, si Pastor Apollo ay napakabokal sa pagpapaabot sa publiko ng hindi magandang naidudulot ng presensiya ng CPP-NPA-NDF sa loob ng mahigit 50 dekadang namayagpag sa mga karumal-dumal na ginagawa nito laban sa mga Pilipino at sa bansa.

Nakita ito ni Senator Go at pinasalamatan si Pastor Apollo sa walang sawang suporta na ibinibigay nito sa pamahalaan at sa pamumuno ng butihing pastor.

Sa katunayan binuo ni Pastor Apollo ang isang programa sa telebisyon, ang “Laban Kasama ang Bayan” na walang nilalayon kundi ang mawakasan ang paninira, panlilinlang, at karahasang ginagawa ng CPP-NPA-NDF.

Mapapanood ang programa araw-araw mula 9:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali kasama sina NTF-Elcac Spokesperson Usec. Lorraine Badoy, NSA Deputy Director Gen. Antonio Parlade Jr. at si Ka Eric sa SMNI.

More in National News

Latest News

To Top