Suplay ng kuryente para sa blended learning, tiniyak

National News

Tiniyak ng Department of Energy (DOE) na sapat ang suplay ng kuryente sa pagbubukas ng klase ngayong School Year 2020-2021.

Kasabay nito inatasan ni Energy Sec. Alfonso Cusi ang 121 electric cooperative sa bansa na tiyaking may sapat na suplay ng kuryente sa mga tahanan para sa ipatutupad na blended learning.

Ang kautusan ay sanhi ng ulat na pagkawala ng kuryente sa mga rural areas na nagsasagawa ng summer classes.

Sinabi pa ng kalihim na maliban sa paggamit ng electronic gadgets ng mga mag aaral, kailangan din ng tuloy-tuloy na suplay ng kuryente para sa mga nagbabalik na negosyo upang muling mabuhay ang ekonomiya ng bansa.